Friday, March 29, 2013

SEMANA SANTA: Sabado de Gloria

Alam nating hindi nagtatapos ang kwento sa pagkamatay ni Jesus. Ang nakita ng lahat ay namatay Siya sa isang karumal-dumal na paraan. Ang inisip ng mga kaaway Niya ay wala na Siya at wala nang manggugulo sa kanila. Ang akala nila ay bigo na si Jesus sa kung anuman ang iniisip nilang misyon Niya. Ngunit si Jesus na mismo ang nagsabi na ang dapat Niyang gawin ay "Naganap na".

"He descended into hell."

Pagkamatay Niya, ginanap na ni Jesus ang pagdudulot ng kaligtasan sa mga naghihintay nito. Nanaog Siya sa mga infiernos upang sunduin ang mga matutuwid at ihatid sila sa langit. Lahat kasi ng mga matutuwid na namatay bago ang kamatayan ni Jesus ay kinailangan munang maghintay na maganap at maidulot ng Panginoong Jesus ang kaligtasan. Ito ang ibig sabihin ng "He descended into hell" ng bagong English translation ng Apostles' Creed.

Walang Misa ngayong Holy Saturday. Ang iba sa atin ay pinipiling ipagpatuloy ang fasting and abstinence . Nakabantay tayo sa libingan ni Jesus, patuloy na naghihintay sa Muling Pagkabuhay ng Panginoon natin. Sa gabi ng Sabado de Gloria, ipagdiriwang ang Easter Vigil in the Holy Night, ang pinakarurok ng pagdiriwang ng Easter Triduum at ng buong liturgical year. Let us wait for this in prayerful hope.

No comments:

Post a Comment