Napakaganda ng Liturhiya ng Simbahan para sa Mother of all vigils, ang Easter Vigil in the Holy Night. Nararapat lang ito dahil ang Muling Pagkabuhay ni Jesus ang pinakamahalagang ipinagdiriwang natin sa buong taon. Punung-puno ng malalim na kahulugan ang mga ritu ng Easter Vigil, sumasalamin sa napakadakilang Misteryo ng Paghihirap, Kamatayan at Muling Pagkabuhay ni Jesus (Misteryo Paskal).
SERVICE OF LIGHT
Nagsisimula ang Easter Vigil sa Service of Light sa labas ng simbahan kung saan isang bagong apoy ang pinag-aalab at binabasbasan sa gitna ng dilim. Mula sa apoy ay sinisindihan ang isang malaking Paschal Candle. Ang higanteng Paschal Candle ang nangunguna sa procession papasok sa simbahang madilim; tatlong ulit na inaawit ang "The Light of Christ", at ang sagot ng mga tao ay "Thanks be to God". Mula sa Paschal Candle ay nagsisindi ng kani-kanilang mga kandila ang mga tao. Ang apoy, ay simbolo nga ng liwanag ni Kristong muling nabuhay. Ang Paschal Candle ay reminiscent din ng haligi ng apoy na gumabay sa mga Israelita sa kanilang pagtakas sa Ehipto. Si Jesus ngayon ang liwanag, ang haligi ng apoy na gumagabay sa atin sa ating pagtakas mula sa dilim ng kasalanan, at sa ating pagtawid sa bagong buhay.
Pagdating ng Paschal Candle sa altar ay inaawit ang Exsultet o ang Easter Proclamation. Isa itong napakagandang himno, poetic at awe-inspiring. Narito ang bagong English translation ng Exsultet:
LITURGY OF THE WORD
Marami ang mga Pagbasa sa Easter Vigil, tampok kasi ang mga highlights ng salvation history. Pito ang mga Pagbasa mula sa Old Testament at bawat isa ay may kasunod na Salmo Responsorio. May isang Epistle din na binabasa pagkatapos ng Gloria, at inaawit ang Responsoriong Alleluia bago ang Ebanghelyo. Sa kwento ng Muling Pagkabuhay ni Jesus, naabot ng buong salvation history ang kanyang climax at fulfillment.
Click: (Readings for Easter Vigil in the Holy Night)
Ang Unang Pagbasa ay tungkol sa Creation. Sa Misteryo Paskal naman ni Jesus ay nakikita natin ang kwento ng kaligtasan, ang kwento ng new creation kung saan lahat ay pinapanibago ni Jesus. Ang Ikalawang Pagbasa naman ay tungkol sa "pag-aalay" ni Abraham ng anak niyang si Isaac. Ang kwentong ito ay isang prefiguration ng pagbibigay ng Diyos Ama ng Kanyang Anak at ng "obedience unto death" ni Jesus. Kwento naman ng pagtawid sa Red Sea ng mga Israelita ang laman ng Ikatlong Pagbasa. Naaaninag natin dito ang "pagtawid" ni Jesus mula kamatayan patungo sa pagkabuhay, isang pagtawid kung saan nakikibahagi tayo dahil sa ating Binyag.
Ang mga sumunod na pagbasa ay patungkol sa katapatan ng Diyos sa Kanyang bayang Israel sa kabila ng pagiging makasalanan nito. Inilalarawan ang Diyos bilang isang lalaking tapat sa Kanyang asawa, isang Diyos na tumatawag sa Kanyang bayan mula sa pagkakakalat sa ibang mga bansa, isang Diyos na inaanyayahan siyang bumalik sa Kanya upang mapagkalooban Niya ng isang bagong puso. Lahat ng mga pagbasang ito ay tumuturo sa dakilang gawain ng pagliligtas ni Jesus, na ginanap Niya sa Kanyang Pagkamatay at Muling Pagkabuhay.
Sa Pagbasa naman mula sa Sulat ni San Pablo sa mga Taga-Roma, ipinaliwanag niya na sa Binyag ay namamatay tayo sa kasalanan kaisa ni Kristo. Dahil doon ay kaisa rin tayo sa Kanyang Muling Pagkabuhay. Therefore, dapat daw tayong manatiling patay sa kasalanan at nabubuhay para sa Diyos.
Sa ating Ebanghelyo, maririnig natin kung paanong natuklasan ang empty tomb ni Jesus. Tunay ngang kahanga-hanga at kataka-taka ito para sa mga alagad ni Jesus.
Napakaganda ng sinabi ng dalawang anghel sa mga kababaihang bumisita sa libingan: "Why do you seek the living one among the dead? He is not here, but he has been raised." Napakaganda at common sense nga naman ito. Ang buhay ay hindi hinahanap sa sementeryo o sa libingan. Hindi na iyon ang lugar ni Jesus.
Kung tayo ay tunay na nakikiisa sa Muling Pagkabuhay ni Jesus, applicable na rin sa atin ang sinabi ng mga anghel. Kung patay na tayo sa kasalanan at nabuhay muli kasama ni Kristo, wala na tayo dapat sa libingan! Wala na tayo dapat sa lugar ng mga patay. Nakatakas na tayo sa pagkaalipin sa kasalanan. Tulad nga ng sinabi ni San Pablo, dapat nabubuhay na lang tayo para sa Diyos. Hindi na tayo dapat pang bumalik sa kasalanang at kamatayang natakasan na natin.
LITURGY OF BAPTISM
May natatanging lugar ang Binyag sa Easter Vigil. Doon ay binabasbasan ang tubig at binibinyagan at kinukumpilan ang mga catechumens. Ang Easter ay isang pagdiriwang din ng Binyag dahil sa Muling Pagkabuhay nga ni Jesus nagkakaroon ng malalim na kahulugan ang Binyag: kamatayan at muling pagkabuhay kay Jesus. Noong nakabayubay Siya sa krus ay dumaloy mula kay Jesus ang dugo at tubig. Ang tubig ay simbolo ng Binyag, ang Sakramento ng paglilinis o pagbura sa kasalanan. Kung paanong tumawid ang mga Israelita sa tubig ng Red Sea upang makatakas sa pagkaalipin at maabot ang Lupang Pangako, gayon din, tumawid tayo sa tubig ng Binyag mula sa kasalanan patungo sa buhay na "flowing with milk and honey" o "flowing with sanctifying grace".
Ang Misteryo Paskal ni Jesus ang bukal ng grasya na dumadaloy sa atin sa mga sakramento. Sa Easter Vigil, kahit minsan ay walang mga catechumens na binibinyagan, ginaganap naman natin ang Renewal ng ating Baptismal Promises, hawak ang mga kandilang sinindihan mula sa bagong apoy ng Paschal Candle. Ito ay paalala sa atin ng halaga ng pagiging binyagan, at isa ring pagkakataon na maging tapat muli dito, sakali mang hindi natin ito naisabuhay nang maayos noon. Paalala ito ng kalinisang tinanggap natin sa Binyag, at ng hamon na panatilihin ang kalinisang ito sa tulong ni Jesus na Siyang liwanag.
LITURGY OF THE EUCHARIST
Ang Easter Vigil in the Holy Night ay isang pagdiriwang ng Banal na Misa, di tulad ng Liturhiya ng Good Friday. Si Jesus ang ating Paschal Lamb, ang nagdulot ng ating kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang Kamatayan at Muling Pagkabuhay. Sa Banal na Misa ng Easter Vigil, as in all other Masses, ay nasa harap tayo mismo ng Misteryo Paskal ni Jesus, Siya na namatay ngunit buhay na at mananatiling buhay kailanpaman, ang kordero "who was once slain" na nakasaad sa Revelation.
Ang Misa ay ang Hapunan ng Kordero na minsang pinatay, kung saan tinatamasa natin ang dulot Niyang kaligtasan.
Ang Misa ay ang Hapunan ng Kordero na minsang pinatay, kung saan tinatamasa natin ang dulot Niyang kaligtasan.
Indulgence Alert! Ang Renewal of Baptismal Vows sa Easter Vigil ay may kaakibat na Plenary Indulgence. Matatamo ang indulgence under the usual conditions (Confession, Communion and Prayer for the Pope's Intentions).
No comments:
Post a Comment