Monday, March 18, 2013

Pope Francis' Inauguration on St. Joseph Solemnity


March 19, 2013 ang araw ng Inauguration o pormal na pagsisimula ng Petrine ministry ni Pope Francis. Magandang petsa ito dahil ito ang Solemnity of St. Joseph, Spouse of the Blessed Virgin Mary. Si San Jose ang Patron ng the Universal Church. Ang Santo Papa naman ang Pastor and Visible Head of the Universal Church.

Bandang 8:45 AM (Vatican time) ay dadaan si Pope Francis ng St. Peter's Square, papasok sa St. Peter's Basilica at tutungo sa libingan ni San Pedro Apostol na nasa ilalim ng altar. Sa saliw ng "Tu es Petrus" at kasama ang mga Patriarchs at mga Arsobispo ng Eastern Rite Catholic Churches ay sandaling gagawin ni Pope Francis ang veneration at pananalangin sa harap ng tomb ng unang pope.

Highlight ng Inauguration ang pagbibigay ng pallium kay Pope Francis. Si Cardinal Protodeacon Tauran, ang nag-announce ng "Habemus Papam" noon, ang siya ring magbibigay ng pallium kay Pope. Susundan ito ng isang panalangin to be recited by Cardinal Proto-presbyter Daneels. Si Cardinal Sodano naman ang magbibigay ng Fisherman's Ring kay Pope Francis.

Ang pallium na gawa sa wool ay simbolo ng pagiging pastol na katulad ni Jesus, ang Mabuting Pastol. Ang Fisherman's Ring naman ay isang paalala na ang unang Papang si San Pedro ay tinawag ni Jesus upang maging "fisher of men'.


Mahalagang bahagi rin ng Inauguration ang "Act of Obedience", na isang pagpapangako ng pagsunod sa Santo Papa bilang Supreme Pontiff.

Ang Inaugural Mass ay ang Misa para sa Solemnity of Saint Joseph pa rin.




No comments:

Post a Comment