Mainit na sinalubong sa Our Lady of La Paz Parish, Makati ang puso na relic ni San Camilo de Lellis, patron ng mga maysakit, ng mga doktor at nurse, at ng mga hospital.
Let the pictures tell the story:
Matiyagang hinintay ng mga paring Kamilyano, kasama si Most Rev. Patricio Buzon, SDB, D.D., Obispo ng Kabankalan at Chairman ng Episcopal Commission on Health Care, ang pagdating ng relic sa airport.
(Photo from Our Lady of La Paz Parish facebook page. The following photos are from yours truly.)
Mula sa airport ay idinaan ang relic sa streets ng parokya via motorcade.
Tangan ang mga signs at flags ay sinalubong ng mga parishioners at Camillian seminarians ang motorcade na papunta na sa simbahan.
Nakisama rin sa mainit na pagsalubong ang mga estudyante.
Assembly time! Pagkatapos ayusin ang reliquary ay inilagak na rito ang puso ng santo. Nagkaroon ng munting problema pagkatapos nito dahil hindi nagkasya ang reliquary sa lock ng patungan nito.
Bandang alas cuatro nagsimula ang Welcoming Rites sa simbahan. Bahagi ng rites ang pagbabasa ng excerpt mula sa buhay ni San Camilo.
Pagkatapos ng Welcoming Rites, at bago ang Banal na Misa, nagkaroon muna ng getting-to-know St. Camillus, his life, his relic and his miracles.
And then the Holy Mass... Oh wait! Tingnan n'yo muna o, Benedictine altar arrangement! Ang ganda 'di ba? Seven candles are there, of course, dahil obispo ang main celebrant.
And another thing, look who was there to cover the event - mainstream media! At least binigyan nila ng pansin ito.
The Most Holy Sacrifice of the Mass was then offered by Bishop Buzon at 6 PM. Sumentro ang homiliya niya sa charity at conversion na ipinamalas ni San Camilo. Ito raw mismo ang mga kailangan natin ngayon para makatugon sa hamon ng new evangelization.
Matapos ang Misa ay nabuo ang mahabang pila ng mga taong nais mag-venerate at manalangin sa harap ng relic ni San Camilo. Kaliwa't kanan din ang mga tumanggap ng Sakramento ng Kumpisal at ng Pagpapahid ng Langis sa Maysakit. Tunay ngang naging isang "feast of healing" ito para sa kaluluwa at katawan. Approximately 8 PM hanggang lampas 11 PM ang dagsa ng mga deboto!
Pasado alas onse nang magsimula ang Vigil prayers. Pagkatapos nito ay itinago nang muli ang relic ni San Camilo. Ilalabas itong muli for public veneration sa Misa sa umaga (6:30) at mananatili hanggang sa Misa sa 12 ng tanghali. Pagkatapos ay iikot na ito sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Kung gaano kainit ang pagmamahal at paglilingkod ni San Camilo sa mga maysakit, ganun din kainit ang pagtanggap sa kanyang puso dito sa Pilipinas. Nawa maging ganito rin kainit ang pagmamahal natin sa ating kapwa, lalo na sa mga mahihirap at maysakit!
No comments:
Post a Comment