Ngayon ipinagdiriwang ang Solemnity of the Annunciation of the Lord dahil ang original date nito, March 25, ay pumatak ng Monday of Holy Week. Ang buong Holy Week at ang buong week after Easter Sunday (Easter Octave) ay may liturgical precedence na tinatawag. Mas mataas ang rank ng mga liturgical observances na ito kaya't na-move ang Annunciation sa sumunod na araw na pwede, ang Monday of the Second Week of Easter, April 8.
March 25 nga ang original date ng Annunciation, exactly 9 months bago ang pagdiriwang ng Pasko. Sa sandali kasi ng pagsang-ayon ni Maria sa mensahe ng Anghel Gabriel, bumaba sa kanya ang Espiritu Santo and she conceived Jesus in her womb. Ang 9 months na pagitan ng Annunciation at Pasko ay tanda na si Jesus ay totoong Diyos at totoo rin namang naging tao; totoong ipinaglihi Siya at dinala sa sinapupunan ng Kanyang ina.
Ang imahe ng Annunciation ay talagang napakaganda. On the one hand, makikita natin dito ang pagkilos ng Diyos. Simula pa lang ng unang magkasala ang tao, inihayag na ng Diyos ang plano Niyang kaligtasan. Sa Annunciation, narito't nakikita natin ang "babae" na itinakda ng Diyos para maging ina ni Jesus. Sa eksenang ito, nakikita natin na papalapit na ang kaligtasang matagal nang inihahanda ng Diyos. Paparating na si Jesus, ang "Diyos na nagliligtas" na matagal nang hinihintay ng Israel.
Sa kabilang dako naman, makikita natin kay Maria ang pagsang-ayon sa kalooban ng Diyos. Dahil dito, naging mahalagang bahagi siya ng kasaysayan ng ating kaligtasan. Ipinakita ni Maria ang isang dakilang pagsunod sa Diyos sa kabila ng kawalang-kasiguruhan. Dapat nating tularan si Maria na marunong tumalima sa kalooban ng Diyos. Tulad niya, we need to learn to cooperate with God's plan in our life. Hindi man natin maintindihan ang lahat, dapat tayong magtiwala sa plano ng Diyos. Ganun dapat ang ating faith.
Sa panahon ngayon, marami na ang sumusuway at tumutuligsa sa kalooban ng Diyos na pinahahayag Niya sa pamamagitan ng Kanyang Simbahan. Binigyan ni Jesus ng authority ang Simbahan "to bind and loose". Binigyan Niya rin ng kasiguraduhan ang Simbahan na hindi siya magkakamali dahil gagabayan siya ng Espiritu Santo. Kaya't kung paanong naniwala si Maria at tumalima sa kalooban ng Diyos na sinabi ng anghel, dapat rin tayong tumalima sa kalooban ng Diyos na nalalaman natin sa mga turo at paggabay ng Simbahan.
"Be it done unto me according to your word." Nawa ito rin ang maging panalangin natin sa araw-araw. At nawa ito rin ang ating maging tugon sa kalooban ng Diyos. Kung magagawa natin ito, tunay na magiging bahagi tayo ng pagkilos ng Diyos sa mundo.
No comments:
Post a Comment