Tayo ang tupa at si Jesus ang pastol natin. "I give
them eternal life, and they shall never perish. No one can take them out of my
hand." Napakasarap pakinggan ng mga sinabi ni Jesus sa Ebanghelyo ngayon.
You just "feel safe in His arms," ayon nga sa linya ng mga babae sa
kanilang mga boyfriend o asawa.
Tama nga naman, ang Panginoon ang ating masasandalan at
gabay sa daang patungo sa ginhawa - ginhawang hindi lang makamundo, kundi
ginhawa sa buhay na walang hanggan. Siya ang Mabuting Pastol at tayo ang
Kanyang mga tupang lubos na minamahal, mga tupang pinag-alayan Niya ng buhay,
ng Kanyang sariling Katawan at Dugo. Ang Simbahan ang Kawan ni Kristo, ang
Pastol na Siya ring Kordero sa ating Ikalawang Pagbasa ngayon.
Ngunit ang relasyong pastol-tupa ay hindi lamang tungkol sa
pagkalinga ng pastol. Bilang tupa, may tungkulin din tayo - ang tumalima sa
tinig ng Mabuting Pastol. “My sheep hear my voice; I know them, and they follow
me," ika nga ng Panginoon.
Katangian ng tupa ang pagiging masunurin. Sa pastol siya
nakadepende kaya't sumusunod siya dito. Ganoon rin tayo sa Panginoon. Because
we are "safe in His arms" nga, because He provides for us and guides
us, ang dapat nating maging tugon ay pagsunod sa Kanya.
Sa Unang Pagbasa ay makikita ang hindi pagtalima o pakikinig
ng ilang mga Hudyo sa Salita ng Panginoon na pinahahayag nila San Pablo. Sa
pagpapahayag ni San Pablo ng Salita ng Diyos ay naging malinaw na ang Kawan ni
Jesus na "nakikinig sa Kanya" ay hindi lamang para sa mga Hudyo,
kundi sa lahat ng tumatalima sa Kanyang tinig.
Bilang tupa, naririnig natin ang tinig ng Mabuting Pastol
natin sa Salita ng Diyos, sa pangangaral ng Santo Papa, mga obispo at pari na
mga tinalaga ni Jesus bilang pastol natin dito sa lupa. Paano tayo tumatalima
sa tinig Niya? Sumusunod ba tayo sa mga aral ng Ebanghelyo at nagpapasailalim
ba tayo sa paggabay ng Simbahan? Alam naman natin kung ano'ng nangyayari sa mga
tupang may sariling daang sinusundan - naliligaw! Pero ang tunay na tupa ni
Kristo, tumatalima!
No comments:
Post a Comment