Ayon sa Tradisyon, ang sundalong sumibat kay Jesus sa krus ay napatakan ng dugo ng Panginoon, dahilan upang gumaling siya sa kanyang pagkabulag. |
Click here for the Readings for the 7th Sunday of Ordinary Time.
Muli na naman nating napatunayan na mataas ang standards ng pagiging Kristiyano dahil sa ating mga pagbasa ngayon. Tinatawagan tayo ng Unang Pagbasa, gayon na rin ng ating Panginoong Jesus mismo na maging banal o perpekto katulad ng Ama nating Diyos. Ang maging katulad ng Diyos ay tila mahirap at imposible, ngunit kung hinihingi ito sa atin ng Diyos, ibig sabihin posible ito.
Hinahamon tayo ni Jesus sa Ebanghelyo ngayon na maging tulad ng Diyos. Kakaiba ang mga paanyaya Niya sa atin: mapayapang tiisin ang mga pananakit sa atin at mahalin ang ating mga kaaway. Marami sigurong sasang-ayon na ito ang isa sa pinakamahirap na utos ni Jesus. Marahil marami ring magsasabi na isa itong kahangalan. Ngunit, ayon nga sa Ikalawang Pagbasa, iba ang karunungan ng Diyos. Kung gumaganti tayo sa mga masasama, ano nga naman ang pinagkaiba natin sa kanila? Kung nagmamahal lang tayo sa mga kamag-anak at kaibigan, ano nga namang pinagkaiba natin sa mga pagano, sa mga masasamang tao na nagmamahal din naman sa mga kamag-anak nila?
Bilang Kristiyano, inaanyayahan tayong mahalin ang lahat, kahit pa ang ating mga kinaiinisan at mga kaaway. Hindi ito nangangahulugan na kailangang may "maramdaman" tayong pagmamahal para sa lahat. Ang pagmamahal ay di naman basta isang emosyon lamang. Isa itong paanyaya na kabutihan, at tanging kabutihan lang ang isalubong natin sa ating kapwa, kahit hindi pa nila ito suklian. Isang hamon sa atin na maglingkod at tumulong pa rin sa mga taong mahirap pakisamahan. Dagdag pa rito ang ipagdasal sila.
Di na raw uso ang martir, sabi nila. Ngunit ang pagsasakrispisyo at pagsusukli ng kabutihan sa mga taong mapang-api o mapang-abuso ay isang Kristiyanong katangian. Dahil sa pagmamahal na itinutugon natin sa kasamaan, unti-unting natatalo ang kasamaan. Mahirap, ngunit si Jesus na rin ang nagpakita sa atin na maaari itong gawin. Sa krus, inialay Niya ang sarili Niya alang-alang sa ating mga makasalanan. Para sa ating mga nakalimot sa Diyos at sumuway sa Kanya, namatay si Jesus. Maging ang mga pumatay sa Kanya ay kinaawaan ni Jesus. Di ba't dakilang pag-ibig iyon? Isa nga iyong dakilang pag-ibig na dapat nating tularan. At makakaya natin itong tularan sa tulong at grasya ng Diyos.
Sa ating pagsunod kay Jesus, nawa unti-unti nating matularan ang pagmamahal Niya. Nawa matuto tayong magmahal at maghangad ng ikabubuti ng iba. Sa huli naman, ang hahantungan nating lahat ay ang buhay na walang hanggan kasama ang Diyos, kung saan wala nang magkakaaway at pag-ibig lang ang maghahari.