Saturday, May 18, 2013

Ang Espiritu ng Pag-aampon




Ang pagbaba ng Espiritu Santo sa mga Apostol at sa Mahal na Birheng Maria ang huling ipinagdiriwang natin sa Panahon ng Muling Pagkabuhay (Easter Season). Ang pagdating ng Espiritu Santo ay bahagi ng plano ng kaligtasan ng Banal na Santatlo. Ang Diyos Ama ang lumikha sa tao. Ang Diyos Anak ang nagligtas o lumikhang muli. At ang Diyos Espiritu Santo ang tagapagpabanal at patnubay.

Ayon kay San Pablo, ang Espiritu Santo ay ang espiritu ng pag-aampon sa atin ng Diyos. Sa pagtanggap natin sa Espiritu Santo sa Binyag, we are incorporated into the life of the Holy Trinity. Nagiging mga anak tayo ng Diyos at kabahagi sa mga merits ng Misteryo Paskal ni Jesus.

Ang Espiritu Santo ang gabay natin sa bagong buhay na tinanggap natin bilang pakikiisa sa Pagkabuhay ni Jesus. Sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, nakikiisa tayo sa pag-aalay ni Jesus sa Ama sa Banal na Misa. Gabay natin ang Espiritu Santo sa pakikiisa sa Misteryo Paskal ni Jesus hanggang sa pagsasabuhay nito.

Samakatuwid, it is through the Holy Spirit that we become sons of God and it is also through Him that we continue to live out this dignity as sons. Kung gayon, tulad ng sinabi ni San Pablo, bilang mga anak ng Diyos ay dapat nating iwaksi ang kasalanan, ang mga bagay na nauukol sa laman. The Holy Spirit strengthens us in our daily living and guides us, reminding us of all that Jesus taught.

Siya rin ang nagbibigay sa atin ng mga kakayahang maaari nating gamitin sa pagbubuo ng Simbahan, ang sambayanan ng Diyos. Sa Banal na Espiritu ay napapag-isa lahat ng ating mga kontribusyon para sa ikabubuti ng lahat.

Ang Espiritu Santo ang nagbigay buhay noon sa mga unang Kristiyano upang ipahayag si Jesus sa Salita at gawa. Kung nananahan sa atin ang Espiritu Santo, dapat ay may lakas din tayo at determinasyon na isabuhay at ipahayag ang lahat ng itinuro sa atin ni Jesus.

No comments:

Post a Comment