Saturday, June 8, 2013

Mula at Para sa Diyos


Click: (Readings for the 10th Sunday in Ordinary Time)

Tunay na si Jesus ang Panginoon ng Buhay. Sa ating Ebanghelyo ngayon ay narinig natin ang kwento ng isa sa mga pagkakataong nagbigay buhay Siya sa isang pumanaw na. Nahabag si Jesus sa nakita Niya: isang ina na wala na ngang asawa ay kasalukuyan pang umiiyak para sa nawalang anak. Kaya naman binuhay ni Jesus ang lalaki.

Sa Unang Pagbasa ay makikita natin kung paanong binuhay muli ng Diyos ang anak ng isang balo sa pamamagitan ni Propeta Elias. Sa Ikalawang Pagbasa naman ay inilahad ni San Pablo kung paanong tinawag siya ng Diyos "through His grace" mula sa dati niyang buhay. Tunay nga na ang buhay natin ay mula sa Diyos: Siya ang nagbigay buhay sa atin at Siya rin ang nagligtas sa buhay natin mula sa kamatayan sa kasalanan. Maaari nga nating sabihin na ang buhay natin ay pag-aari ng Diyos, not just once but twice. We are twice God's.

Sa pagbuhay muli ni Jesus sa anak ng babaeng balo, nabulalas ng mga tao na "God has visited His people". Tunay ngang si Jesus ay Diyos na nakisalamuha sa mga tao. Tunay ngang ang Diyos ay hindi Diyos na walang pakialam. Kumikilos Siya sa ating buhay.

Bilang mga Kristiyano, dapat nating pahalagahan ang buhay. Ang buhay ay mula sa Diyos at dapat pangalagaan bilang paggalang sa nagbigay nito. Ngunit hindi lamang ito ang responsibilidad natin. Tayo rin ay tinatawag, katulad ni San Pablo, mula sa "patay na pamumuhay" patungo sa buhay na para sa Diyos. Ang buhay na mula sa Diyos ay dapat gamitin para sa Diyos. Bilang mga kabahagi sa buhay ni Jesus ay inaasahan tayong mabuhay para sa Diyos at "magbigay-buhay" sa ating kapwa.

Inspirasyon natin sa hamong ito ang sinabi ni San Pablo: "Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Kristo na ang nabubuhay sa akin" (Gal 2:20).

Friday, June 7, 2013

Pilipinas, ikokonsagra at ipagkakatiwala sa Puso ni Maria


Iniutos ng CBCP ang consecration ng buong Pilipinas sa Kalinis-linisang Puso ni Maria. Gaganapin ito sa Memorial of the Immaculate Heart of Mary (June 8). Pagpatak ng 10 ng umaga ay sabay-sabay na ipagdiriwang ang Banal na Misa at dadasalin ang Consecration prayer sa lahat ng katedral, shrines, parishes at chapels sa bansa.

Napapanahon ang hakbanging ito ngayong ipinagdiriwang natin ang Taon ng Pananampalataya at pinaghahandaan ng bansa ang ika-500 taon ng pagdating ng Katolisismo o Kristiyanismo sa Pilipinas. Tunay ngang ang bansa natin ay isang "bayang sumisinta kay Maria". Siya ang modelo natin at gabay sa gitna ng mga hamong hinaharap ng lipunan ngayon. 


Narito ang panalangin ng Consecration mula sa booklet ng CBCP:

Thursday, June 6, 2013

Worldwide Eucharistic Adoration: Pictures from Rome and Manila

Pope Francis led the global Eucharistic Adoration from Rome on the Solemnity of Corpus Christi. (Pictures from News.va English facebook page.)








Cardinal Tagle led the Adoration in Manila. It was held at the San Fernando de Dilao Parish church at 11 PM.










Saturday, June 1, 2013

Ang Nagpapakain ay Pagkain


Click: (Readings for the Solemnity of the Most Holy Body and Blood of Christ)

Ang tinapay at alak sa Misa ay tunay na nagiging Katawan at Dugo ng ating Panginoong Jesus. Isa ito sa mga mahahalagang katotohanan ng ating pananampalataya. Sa katunayan, ang Eukaristiya ang "source and summit" ng buhay Kristiyano. Bakit? Dahil ang Eukaristiya ay si Kristo mismo!

Sa Unang Pagbasa ngayon ay nag-alay ang paring si Melquisedec ng tinapay at alak. Binasbasan niya si Abram at nagpasalamat sa Diyos dahil sa tagumpay nito. Si Mequisedec ay "prefiguration" ng ating Panginoong Jesus na mag-aalay din ng tinapay at alak sa Huling Hapunan, mga alay na magiging Katawan at Dugo Niya. Sa Salmo nga ngayon, ay inaawit natin na si Jesus ay pari "ayon sa pagkapari ni Melquisedec". Malinaw namang pinaliwanag ni San Pablo ang kaugnayan ng tinapay at alak sa Misa sa Kamatayan ni Jesus o pag-aalay Nito ng sarili.

Tampok naman sa Ebanghelyo ngayon ang pagpapakain ni Jesus sa limanlibong tao. Ang milagrong ito ni Jesus ay paunang pahiwatig din ng misteryo ng Eukaristiya. Sa Misa, iisa lamang ang Jesus na ating tinatanggap, ngunit bawat isang lumalapit sa Komunyon ay tinatanggap Siyang buo. Napakadakila talaga ng Sakramento ng Eukaristiya! Si Jesus mismo, ang Kanyang Katawan, Dugo, Kaluluwa at Pagka-Diyos ang tinatanggap natin tuwing tayo ay nangungumunyon! Kamangha-mangha talaga ang pag-ibig ng Diyos.

Sa Banal na Sakramento ay naidudulot sa atin ni Jesus ang Kanyang Kamatayan at Muling Pagkabuhay. Sa madaling salita, sa Eukaristiya ay nakakaharap natin ang gawaing nakapagliligtas na handog ni Jesus sa atin. Sa Ebanghelyo ngayon ay nakita natin ang pagnanasa ni Jesus to nourish us. Bilang Diyos na mapagmahal ay hindi Niya nais na magutom at mauhaw tayo. Ngunit sa dakilang pag-ibig Niya, sino ba namang mag-aakala na sarili Niya mismo ang ibibigay Niya bilang pagkain para sa ating kaluluwa? Sa Eukaristiya, ang nagpapakain sa atin ay Siya ring pagkain natin. Si Jesus mismo ang pagkaing nagpapalakas sa atin at nagbibigay resistensya upang huwag na muling magkasala at sa halip ay gumawa ng mabuti. Sadyang kahanga-hanga ang Sakramentong ito! Kahanga-hanga si Jesus na lubhang nagmamahal sa atin at nagnanais na lagi Siyang nariyan upang makasama natin.

Dapat rin nating tugunan ang pag-ibig na ito ni Jesus sa Banal na Eukaristiya. Siya na pumapawi sa ating gutom at uhaw ay gutom at uhaw rin mismo sa pag-ibig natin. Patuloy na ninanais ni Jesus na lumapit tayo sa Kanya sa Banal na Sakramento nang may labis na paggalang at pagmamahal sa Kanya. Kung tunay ang ating paniniwala sa Real Presence ni Jesus sa Eukaristiya, dapat tumimo sa ating puso ang kagustuhang laging lumapit sa Kanya sa Komunyon o sa panalangin sa harap ng Banal na Sakramento. (More on this, here.)

Sa Eukaristiya ay nabubuklod din tayo bilang isang komunidad ng mga Kristiyano, sa ating pagsasalu-salo sa iisang Panginoong tinanggap natin. Hamon sa atin bilang mga Kristiyano na maging concerned sa pangangailangan ng bawat isa sa atin, lalo na sa pangangailangan ng mga naghihirap. Di man tayo tulad ni Jesus na naghain ng sarili Niya bilang pagkain, maaari pa rin nating ibigay ang ating sarili sa iba sa pamamagitan ng tunay na pagtulong - pagtulong na may kalakip na pagmamahal at pagbibigay ng lahat ng kaya at maaaring maibigay.

Nawa ay patuloy nating mahalin at sambahin si  Jesus na sumasaatin sa Eukaristiya. Sa pag-aalay Niya ng Kanyang Katawan at Dugo sa Misa ay maisama nawa natin ang pag-aalay ng ating buong sarili upang ang lahat ng aspeto ng buhay natin ay maging isang pag-aalay na kalugud-lugod sa Diyos Ama! Sa huli, nawa ay unti-unti tayong maging tulad ni Jesus na tinatanggap natin.

Indulgence Alert! Ang pag-awit o solemn na pagbigkas ng Tantum Ergo, isang bahagi ng Pange Lingua, ay indulgenced. Plenary indulgence ang kakabit nito kung ito ay gagawin sa Holy Thursday o sa Solemnity of Corpus Christi. Makakamit ang indulhensya plenaria under the 3 usual conditions (Confession, receiving Holy Communion and praying for the Pope's intentions; partial indulgence if the 3 conditions are not fulfilled).